|
| just passed by espana boulevard kanina, again napansin ko na naman yun
pink line sa may sidewalk, bakit na naman ganun pagkakapintura doon,
kung hindi meron mga nakaharang na puno eh poste naman? oh kaya hagdan
naman o kaya kanal naman. ano ba naman yan? sabagay bakit pa nga ba ako
lalayo, eh sa recto ave pa lang, puro sasakyan naman ang mga
nakaharang. seryoso ba talaga sa implementation nyan ang mmda? halata
namang napakalinaw na HINDI, talagang nagsayang lang sila ng pera
quezon
city government naman, Aurora blvd corner EDSA, yun sa may Farmers, di
ba nga sa kanto ng aurora at EDSA dun medyo maganda yun sidewalk,
maganda pa ang fence, ok na sana kaso meron pa dun nakapost na lumang
billboard na may mukha pa ng butihing mayor ng QC, eh ang originally
proposed na gagawan pala nun eh mula EDSA-aurora hanggang sa may kanto
ng PhilAm building? eh bakit kulang na ng isang kanto? kulang sa pondo
o nawala na ang pondo? ewan ko lang...
sabi nga ng mahal na pangulo, magtipid kayo.. again.. kayo...
habang
nakasakay naman ako sa jeep kanina, yun driver may kakwntuhan na pataas
ng pataas daw yun gasolina... o diesel, aabot pa daw ng 80 pesos? ano
ba naman ito? tapos hindi naman daw tumataas ang pamasahe =( amp... ay
ewan | | |
| recently, talaga namang nagiging noticable na yung "pink line" ng MMDA,
which is supposedly a line (located within the gutter o sidewalk) na
supposedly eh bawal harangan at daanan ng tao, at first hindi ko talaga
maintindihan kung saan ba talaga yung bawal harangan... yun bang mula
sa bahay o kung ano man yun o pader hanggang dun sa pink line? o yung
mula sa kalsada hanggang sa pink line? then kanina nga lang umaga na
realize ko finally na ang bawal harangan eh yung mula doon sa kalsada
hanggang sa pink line, eh kasi ba naman... kung yung mula sa kalsada
hanggang sa pink line ang bawal harangan... eh bakit naman... kapag
pumunta ka sa Recto Ave. sa may Tomas Mapua Street, yun sa harap ng mga
bilihan ng glass dun... eh puro harang naman yung mula sa kalsada
hanggang dun sa pink line... akala ko ba bawal harangan??? hello? hay
nice implementation
and narealize ko nga din na ang bawal nga
harangan eh yun mula sa kalsada hanggang sa pink line kasi nung friday
naglalakad na ako pauwi d2 sa may office pa lang, yun pink line eh
halos 1 inch lang ang layo dun sa pader ng Alaska corp d2 sa libis, eh
alangan naman na doon dadaan yun mga tao noh? at bawal harangan yun
mula sa pader hanggang sa pink line, so yun nga may logic din pala =)
pero
now, i just want to give out the top 3 reason why talaga namang somehow
eh palpak pa din ang pagkakagawa dyan sa "pink" line na yan...
number
3: Libis, QC. opposite side ng Eastwood City, E. Rodriguez Jr. Ave
(south bound)... karamihan naman ng dumdaan doon eh alam na may
pedestrian overpss dun (yun tinitigilan ng mga jeep kasi nga doon
bumababa ang mga tao pag papuntang citibank o eastwood). ngayon merong
"pink line" doon, at kung doon ka maglalakad inside the pink line eh
talaga namang cguradong mababangga ka kasi ba naman nasa loob naman ng
pink line yung hagdan nung pedestrian overpass.. i mean bakit kaya
hindi man lang iniadjust yun pink line para naman pagdating sa may
overpass eh medyo iiba naman ng pwesto? i mean di ba tao naman ng
pintura nyan? eh bakit hindi mailiko sa tamang lugar?
number 2:
opposite side ng Isetann Recto, CM Recto Ave (west bound). underneath
LRT2 Recto Station. same thing sa number 3, only this time, ang
nakaharang naman eh yun isa sa pinakamalaking poste ng LRT, hello?
hindi ba pwede talaga itama ang pagpipintura nyan? i mean di ba nauna
naman dyan yun poste kesa dun sa pagpipintura? o baka naman may plano
ang MMDA na ipaalis yun poste na yun ng LRT =)
number 1: EDSA
corner Aurora Blvd. (South bound) harap ng Jollibee at Access computer
college. same thing sa naunang dalawa pero ito ang pinakamalala sa
tingin ko, kasi hindi lang hangdan ang nakaharang, hindi lang poste o
pader, kundi ang ever popular -- isang MMDA URINAL -- crap, tapos yun
nga bakit ba naman kasi hindi naman ipintura ng tama yun, tsaka kung
dapat eh walang nakaharang sa lugar na yun... eh di tanggalin na yun
urinal o much better ayusin naman ang pag pipintura... napansin ko din
lang medyo parang naputol ata yun pink line dun sa may malapit sa
urinal... cgro di na nakayanan nung magpipintura yun amoy nung urinal 
hay... isang set lang yan sa mga dahilan kung bakit MMDA should be off the road  | | |
| yehey, multiply in "on" again at the office, at least di na kailangan
ng anonymous proxy at ang problem pa dun hindi na reretain yun cookies
at session at whatever, anyways, more updates later, ingats | | |
| of all the three existing mass rail transit system here in Manila, the
MRT3 has got to be the worst of them... here are some reasons (all are
personally seen or experienced)
- nalulugi pa daw sila despite of the following factors:
1. MRT3 lang ang merong ad (advertisement) na sa lahat ng parte ng mga
istasyon, in between stations at sa halos lahat ng tren (in and out of
the train) 2. kapag holiday, usually MRT3 lang ang tumatakbo o
pinakamaagang bumalik sa operasyon after a long holiday such as Holy
week or Christmas vacation 3. no doubt, MRT3 has the highest number of passengers per day dahil nga sa along EDSA sya -
MRT3 lang ang may automated vending machine na kapag nagkaproblema eh
wala man lang staff na lalapit sa'yo para tumulong, samantalang meron
namang mga staff member na walang ginagawa. at isa pa, dati nakatambak
na lang yan automated ticket vending machines na yan, eh bakit ngayon
na naluma na tsaka pa ginamit? - MRT3 trains ang pinakamadalas masira (compare to LRT1 trains) samantalang di hamak naman na mas bago ang mga MRT3 trains - sa MRT3 station mo makikita ang may pinakamahabang pila para sa ticket, especially sa Taft at Cubao stations | | |
| sorry, no recent updates, multiply has been blocked or somehow is
unaccessible directly from the office, we will see what we can do about
it =) | | |
|